Recent Posts

Breaking News

Westbrook gusto na umeksit sa Houston

Unang season na magkasama sa Houston, hindi nag-click ang tambalan nina James Harden at Russell Westbrook.

Hindi nagresulta sa mas malalim na palaot ng Rockets sa playoffs, sinipa ng Lakers 4-1 sa West semis.

Iniulat ni Shams Charania ng The Athletic at Stadium na gusto nang kumalas ni Russell sa team, may ilang prangkisa na raw na nagtatanong-tanong sa kanyang availability.

Hornets daw ang nangungunang destinasyon.

Malaking bagay raw ang Jordan brand connection ni Westbrook sa may-ari ng Charlotte na si Michael Jordan.

Mula kay Charania:

“Russell Westbrook has asked out of Houston and sources tell me the Hornets have emerged as a potential suitor for Westbrook.”

May veteran contracts ang Hornets na puwedeng pawalan para sa one-time MVP.

Walang senyales na bibitawan ng Rockets alinman kina Harden at Westbrook, o sabay na silang dalawa.

Pero may ilang araw pa hanggang NBA Draft sa Nov. 18, baka may magbago pa ang isip.

The post Westbrook gusto na umeksit sa Houston first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/westbrook-gusto-na-umeksit-sa-houston/)

Walang komento