Recent Posts

Breaking News

VP Leni bumisita sa Cagayan

Personal na dumalaw si Vice President Leni Robredo sa Cagayan na malubhang binaha dahil sa Bagyong Ulysses.

Sa Twitter ngayong Linggo, Nobyembre 15, sinabi ni Robredo na dumating sila sa lalawigan ngayong umaga.

Mas maayos na rin aniya ang lagay ngayon, bagaman marami pang lugar na baha pa rin.

“We arrived Cagayan this morning. Our team arrived a few hours earlier with supplies. Situation is so much better. Many areas still flooded but water receded already,” sabi pa ng Bise.

Sinailalim sa state of calamity ang Cagayan, maging ang kabisera nito na Tuguegarao City.

Naunang sinabi ni Cagayan Governor Manuel Mamba na kaya naging malubha ang pagbaha sa Cagayan Valley ay dahil sa pag-ulan mula sa ibang probinsya, siltation ng Cagayan River, at pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam.

The post VP Leni bumisita sa Cagayan first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/vp-leni-bumisita-sa-cagayan/)

Walang komento