Recent Posts

Breaking News

Virus recovery sa India 8M na

Umakyat na sa walong milyon ang mga indibidwal sa India na gumaling na mula sa coronavirus disease 2019.

8,066,501 ang eksaktong bilang, batay sa nakalap na datos ng Johns Hopkins CSSE.

Una ang India sa may pinakamaraming COVID-19 recovery case globally.

Samantala, pumalo naman sa 8,683,916 ang bilang ng mga nahawa habang 128,121 ang ginupo ng coronavirus sa India.

Pangalawa ito sa US sa may pinakamaraming virus case at pangatlo naman, matapos ang Amerika at Brazil, sa may pinakamataas na virus death worldwide.

The post Virus recovery sa India 8M na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/virus-recovery-sa-india-8m-na/)

Walang komento