Recent Posts

Breaking News

Vice Ganda, 2 beses inilikas sa Balesin Island

Hinagupit ng bagyong Ulysses si Vice Ganda habang nagbabakasyon sa Balesin Island.

Sa tweet, Nov. 12, sinabi ni Vice na kasama niya sa bakasyon ang nobyong si Ion Perez at ilan nilang kaibigan.

Aniya, kinailangan nilang lumikas sa kanilang villa ng dalawang beses dahil sa mga perwisyong dinulot ng bagyo.

“Last night was ‘delubyo’ levels here in Balesin,” panimula ng comedian.

“Needed to evacuate our villa dahil nawasak na ung mga villas at bumagsak ang mga puno sa paligid namin. Ung pinaglipatan nman namin nawalan ng kuryente & water supply so lumikas kmi ulit,” dagdag ni Vice.

“Mejo kalamado na ngayon. Salamat sa Diyos!”

The post Vice Ganda, 2 beses inilikas sa Balesin Island first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/vice-ganda-2-beses-inilikas-sa-balesin-island/)

Walang komento