Recent Posts

Breaking News

Upakang Lopez-Pacquiao umuugong

Usap-usapan ngayong aakyat sa 140 pounds si Teofimo Lopez upang buksan ang pinto at makaupakan si Pinoy ring icon Manny Pacquiao.

Kamakailan lang ay nagmarka ng panalo si 23-anyos pro-boxer Lopez matapos talunin si Vasyl Lomanchenko para maging undisputed champion ng 135 pounds.

Hindi naman imposibleng alukin niya ng bakbakan si Pacquaio dahil nasa 140 lbs rin ang bigat ng fighting senator.

Hawak ngayon ni ‘Pacman’ ang WBA welterweight title nang talunin si Keith Thurman noong isang taon.

The post Upakang Lopez-Pacquiao umuugong first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/upakang-lopez-pacquiao-umuugong/)

Walang komento