Recent Posts

Breaking News

Ulysses layas na sa ‘Pinas

Nakalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang Bagyong Ulysses kaninang umaga.

Ayon sa 11 a.m. bulletin ng Pagasa, Nobyembre 13, nakaalis ng PAR ang nasabing bagyo alas-9:30 ng umaga. Inaasahan itong tumungo sa gitnang bahagi ng Vietnam.

Kaninang madaling-araw ay humina si Ulysses bilang severe tropical storm, pero lumakas din alas-otso ng umaga kaya naging bagyo ulit ang kategorya nito.

May taglay itong lakas ng hangin na 120 kilometers per hour malapit sa sentro, at pagbugsong aabot sa 150 kph.

Humagupit si Ulysses sa Luzon kahapon, nag-iwan ng hindi bababa sa 26 patay.

The post Ulysses layas na sa 'Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ulysses-layas-na-sa-pinas/)

Walang komento