Recent Posts

Breaking News

Ulysses humina habang palayo ng PH

Mula bagyo ay naging severe tropical storm na lang si “Ulysses” habang kumikilos ito palayo sa bansa.

Ayon pa sa 5 a.m. bulletin ng Pagasa, Nobyembre 13, huling namataan si Ulysses sa 415 kilometro kanluran ng Iba, Zambales.

Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour, taglay ang lakas ng hangin na 110 kph malapit sa mata at pagbugsong 135 kph.

Walang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal, pero dahil kay Ulysses at sa surge ng Northeast Monsoon ay makararanas ng pagbugso sa Batanes, Babuyan Islands, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Zambales, Bataan, at northern Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Island.

Makararanas pa rin hanggang mamayang hapon ng moderate to heavy with at times intense rains sa Batanes, Babuyan Islands, hilaga at silangang mga bahagi ng mainland Cagayan, silangang bahagi ng Isabela, Aurora, Nueva Vizcaya, Quirino, at Apayao.

Habang light to moderate with at times heavy rains naman ang papatak sa Ilocos Region, natitirang bahagi ng Cordillera Administrative Region, natitirang bahagi ng Cagayan Valley, hilagang bahagi ng Quezon kabilang ang Polillo Islands, Zambales, at Bataan.

Posibleng bumaha, gumuho ang lupa, at bumuhos ang lahar sa malakas o matagal na pag-ulan.

Inaasahang aalis si Ulysses ng Philippine Area of Responsibility ngayong umaga.

The post Ulysses humina habang palayo ng PH first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ulysses-humina-habang-palayo-ng-ph/)

Walang komento