Recent Posts

Breaking News

Tuhod pinapakiramdaman ni Almazan

Two minutes, 11 seconds lang tumagal si Raymond Almazan sa laro ng Meralco at San Miguel Beer sa quarterfinals ng PBA Philippine Cup nitong Biyernes.

Sa sumunod na 46, nasa sidelines na ang big man.

Nasaktan ang kaliwang tuhod ni Almazan nang makipagsalpukan kay Beermen guard Von Pessumal.

Kagandahan, naumpisahan ng Bolts ang laro sa 11-2 bago napreserba ang 78-71 win para isagad ang twice-to-beat edge ng No. 4 Beermen.

Kaliwang tuhod din ni Almazan ang inoperahan noong January kaya hindi natapos ang Governors Cup title showdown nila ng Ginebra. Talo ang Bolts sa limang laro.

Binalot agad ng ice ang tuhod.

“Masakit pero hindi naman du’n mismo sa opera ko,” ani Almazan, scoreless sa laro. “Sabi nila, ipahinga ko muna.”

Hindi pa sigurado si coach Norman Black kung gaano kalala ang injury, aalamin pa kung makakalaro ang 6-foot-9 center sa win-or-go-home match ngayon sa Smart 5G-powered AUF gym.

“He got hit like a contusion on the side of his knee. I have no idea how serious it is, whether he can come back next game or not,” anang coach.

The post Tuhod pinapakiramdaman ni Almazan first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tuhod-pinapakiramdaman-ni-almazan/)

Walang komento