Recent Posts

Breaking News

Trillanes sa media: Maging kritikal kay Duterte

Mistulang naglalaro na lang umano si Pangulong Rodrigo Duterte sa panahon ng krisis dahil alam niyang mabait umano sa kanya ang media.

Sambit ito ni dating Senador Sonny Trillanes IV sa Twitter ngayong Biyernes, at nagsumamo sa mga journalist na papanagutin si Duterte sa “incompetence, dereliction of duty and absenteeism” nito habang nagdurusa ang mga Pilipino.

“I am pleading with the media to call out duterte’s incompetence, dereliction of duty and absenteeism during times of crises. Make him accountable!,” ani Trillanes, Nobyembre 13.

“Parang naglalaro na lang sya while Pinoys suffer kasi alam nyang “nice” (or takot?) kayo sa kanya,” dagdag niya.

Dalawang beses nang nag-trend sa Twitter PH ang “#NasaanAngPangulo,” una noong Super Bagyong Rolly at pangalawa noong Bagyong Ulysses.

Hinahanap ng mga netizen ang plano ng Pangulo habang humaharap sa kalamidad ang taumbayan.

Dahilan ni Duterte, bumisita siya sa puntod ng mga yumao niyang magulang sa Davao, at gustuhin man niyang lumangoy sa tubig-baha ay “ayaw ng mga sundalo.”

Sabi niya, alam pa rin daw niya ang nangyayari on the ground kahit nasa probinsya siya, at gumagalaw ang gobyerno para tulungan ang mga apektado ng bagyo.

The post Trillanes sa media: Maging kritikal kay Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/trillanes-sa-media-maging-kritikal-kay-duterte/)

Walang komento