Recent Posts

Breaking News

Trillanes kay Duterte: Kung totoong galit sa korap, itatago mo ba SALN mo?

Muling pinitik ni dating Senador Antonio Trillanes IV si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa mga pagbabanta ng huli sa mga tiwaling opisyal.

Ayon kay Trillanes, hindi umano dapat tinatago ng isang Pangulo ang kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) kung talagang ayaw nito sa korapsyon.

“Think about this: Kung ikaw ang presidente ng Pilipinas at TOTOONG galit ka sa corruption, itatago mo ba SALN mo?”

Sa ngayon ay nilimitahan na ng Ombudsman ang access sa SALN ng mga public official.

Kinakailangan na magkaroon muna ang magre-request ng court order, inawtorisahan ng nag-declare ng SALN, o hindi kaya’y request ng field investigation unit ng Ombudsman.

Nang matanong si presidential spokesperson Harry Roque tungkol sa SALN ni Duterte, giniit nitong walang tinatago ang opisyal.

The post Trillanes kay Duterte: Kung totoong galit sa korap, itatago mo ba SALN mo? first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/trillanes-kay-duterte-kung-totoong-galit-sa-korap-itatago-mo-ba-saln-mo/)

Walang komento