Recent Posts

Breaking News

Todas sa Cagayan Valley 29 na

Umakyat na sa 29 ang namatay sa malawakang pagbaha sa Cagayan Valley.

Karamihan ng mga pumanaw ay dahil sa pagkalunod at landslide.

Ayon sa regional disaster risk reduction management office ngayong Martes, 13 sa nasabing bilang ang mula sa Cagayan province: anim ang nalunod, apat ang sapul ng landslide habang tatlo ang nakuryente.

Habang may 10 sa Nueva Vizcaya na yumao dahil nabaon sa gumuhong lupa sa isang minahan.

Samantala, 5 katao sa Isabela at isa sa Quirino province ang pawang sumakabilang-buhay matapos malunod.

Naunang sinabi ni Cagayan Gov. Manuel Mamba na kaya naging malubha ang pagbaha sa Cagayan Valley ay dahil sa pag-ulan mula sa ibang probinsya, siltation ng Cagayan River, at pagpapakawala ng tubig ng Magat Dam.

The post Todas sa Cagayan Valley 29 na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/todas-sa-cagayan-valley-29-na/)

Walang komento