Recent Posts

Breaking News

Tindahan ng sapatos sa Cebu City lagot sa ‘11.11 Sale’

Inisyuhan ng show-cause order ang isang tindahan ng mga sapatos sa Barangay Lahug, Cebu City dahil sa tadtad umanong paglabag sa isinagawang “11.11 Sale” kahapon, Nob. 11.

Sa ulat, sinabi ni Cebu City Business Processing and Licensing Office (BPLO) head Jared Limquiaco, binigyan ng tatlong araw ang shoe store para magpaliwanag sa insidente.

Kaugnay iyon sa iba’t ibang paglabag umano ng hindi pinangalanang shoe store gaya ng kawalan ng business permit at mga health safety protocol violation.

Isinara na ng city government ang naturang shoe store matapos dumugin ng mga tao ang opening ng kanilang 3-for-P998 promo.

Kinailangan pang i-disperse ng mga pulis ang mga kustomer dahil sa paglabag na sa mga safety protocol laban sa COVID-19.

Nanawagan naman ang BPLO sa mga establisyimentong gustong maglunsad ng sale promo na makipag-ugnayan muna sa city government para makapagpadala ng dagdag na puwersa na kokontrol sa posibleng pagdagsa ng mga tao.

Samantala, sinabi ni Police Colonel Josefino Ligan, Cebu City Police Office director, na mananagot ang mga may-ari ng shop dahil sa kabiguang makontrol ang pagkumpulan ng mga tao.

“We are contemplating in filing a case… criminal case… against the owners for violating Article 151 (disobedience to authority) in relation to the EO (executive order) issued by the city government,” ani Ligan sa ulat ng Inquirer.

“They were unable to control the crowd and it’s a clear manifestation that they violated (the EO),” dagdag niya.

The post Tindahan ng sapatos sa Cebu City lagot sa ‘11.11 Sale’ first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tindahan-ng-sapatos-sa-cebu-city-lagot-sa-11-11-sale/)

Walang komento