Recent Posts

Breaking News

Thai BL actor: Manatiling malakas na ‘Pinas

Naghatid ng words of encouragement si Thai actor Tawan Vihokratana para sa Pilipinas, na hinagupit kahapon ng Bagyong Ulysses.

Sa kanyang Instagram story ngayong Biyernes ng hapon, sinabi ni Tawan, na kilala rin bilang Tay, “Manatiling malakas na Pilipinas.”

May mga fan na pinunto na nag-Google Translate siguro ang model-host para sabihing “Stay strong, Philippines.”

Nakilala si Tawan sa pagganap sa boys’ love (BL) series na “Dark Blue Kiss.” Bumida rin siya sa iba pang teleserye gaya ng “3 Will Be Free” at “I’m Tee, Me Too.”

Samantala, nakalabas na ng Philippine area of responsibility si Ulysses kaninang umaga at inaasahag tutungo ito sa gitnang Vietnam.

The post Thai BL actor: Manatiling malakas na 'Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/thai-bl-actor-manatiling-malakas-na-pinas/)

Walang komento