Recent Posts

Breaking News

Tenorio, Black gumawa ng marka

NAKISALI si Barangay Ginebra team captain Lewis Alfred Tenorio sa elite na samahan ng mahuhusay magpasa matapos nitong itala ang ika-3,000 career assists sa ginaganap na 2020 PBA Philippine Cup bubble sa pagbigay ng pasa sa kakampi na si Japeth Aguilar.

Naitala ni Tenorio ang bago nitong achievement sa liga sa ikalawang yugto ng laban kontra Rain or Shine kung saan ay nagawa ng top seed na Barangay Ginebra na unang makatuntong sa semifinals.

Tinalo ng Gin Kings ang Elasto Painters, 81-73.

Si Tenorio ang ika-11th manlalaro sa league history na nakapagtala ng record bagaman ikalawa lamang sa mga aktibong manlalaro sunod kay Alex Cabagnot ng San Miguel Beer.

Samantala’y agad din nakagtala ng sariling record ang Meralco Bolts freshman na si Aaron Black bilang unang rookie na tinanghal na Best Player of the Game sa kanyang pinakaunang pagsabak sa PBA Playoffs sapul na magawa ni Kiefer Ravena noong Marso 5, 2018 nang tatunin ng NLEX ang Alaska Aces sa Game 1 ng 2018 Phil Cup best-of-3 q’final, 105-99.

The post Tenorio, Black gumawa ng marka first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tenorio-black-gumawa-ng-marka/)

Walang komento