Recent Posts

Breaking News

Target na 50K contact tracer sa PH malapit na maabot

Sabi ni Interior Secretary Eduardo Año, ang bilang ng mga contact tracer nationwide na tumutulong sa coronavirus response ng gobyerno ay 46,338 na.

Mayroon na lang aniya silang 6,664 qualified applicant na nasa huling yugto ng hiring process para matukoy kung sinu-sino sa mga ito ang mapabibilang sa target na 50,000.

“Our battle against COVID-19 is likely to be a long haul until our medical experts find a vaccine and a cure. With the help of the 46,338 contact tracers who are now embedded in the localities, the task of fighting and containing the virus will be much easier and will be carried out more efficiently,” banggit ng kalihim sa isang press statement kahapon.

“We are geared towards completing the 50,000 contact tracers in compliance with the law and we are going to hire the remaining 4,000 within the week,” saad niya pa.

Ayon kay Año, ang may pinakamaraming contact tracer (7,362) ay ang Metro Manila, na epicenter ng pandemya sa bansa.

Sinundan ito ng Central Luzon sa 5,026; Central Visayas sa 4,241; Calabarzon sa 3,679; at Western Visayas na may 3,306 contact tracer.

Itong 46,338 bagong contact tracer ay bukod pa aniya sa naunang na-hire na 97,400 contact tracer.

The post Target na 50K contact tracer sa PH malapit na maabot first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/target-na-50k-contact-tracer-sa-ph-malapit-na-maabot/)

Walang komento