Recent Posts

Breaking News

Surigao Sur niyanig ng magnitude 6.0 lindol

Kaninang umaga, ang Surigao Del Sur ay inuga ng magnitude 6.0 na lindol.

Sa unang earthquake information bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), sinabing nagtala ng magnitude 6.4 ang nasabing pagyanig. Binaba ito patungong magnitude 6.0 sa updated bulletin.

Ang lindol ay naitala alas-6:37 ng umaga, Nobyembre 16, sa 29 kilometro southeast ng Munisipalidad ng San Agustin.

May 33 kilometrong lalim ang nabanggit na tectonic earthquake, na nagdulot ng mga sumusunod:

Intensity V- City of Bislig, Surigao del Sur; Rosario, Agusan del Sur
Intensity IV- Cagwait, City of Tandag, Bayabas, Surigao Del Sur
Intensity III- Cagayan de Oro City; Tagaloan, Villanueva, Balingasag, Misamis Oriental
Intensity II- El Salvador City, Initao, Luagit, Manticao, Misamis Oriental; Virac, Catanduanes
Intenisty I- Iligan City

Ayon sa Phivolcs, parehong inaasahang magdudulot ng pinsala at mga aftershock ang naitalang lindol.

Sa hiwalay pa nilang abiso, sinabing walang banta ng tsunami mula sa nasabing pagyanig.

The post Surigao Sur niyanig ng magnitude 6.0 lindol first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/surigao-sur-niyanig-ng-magnitude-6-0-lindol/)

Walang komento