Recent Posts

Breaking News

Surigao del Norte niyanig ng magnitude 5.3

Matapos ang hagupit ng bagyong Ulysses ay tumama ang magnitude 5.3 na lindol sa Surigao del Norte at naramdaman sa kalapit na mga lugar nitong Huwebes ng hapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol ng alas-3:18 ng hapon sa hilaga-silangan ng Burgos, Surigao del Norte.

May lalim itong 26 kilometro at tectonic ang origin.

Naramdaman ang Intensity 3 sa Surigao City at Rosario, Agusan del Sur, at Surigao City.

Intensity 2 sa Borongan City, Eastern Samar at Gingoog City, Misamis Oriental.

Samantala, Intensity 1 sa Catbalogan, Samar.

Dagdag ng Phivolcs, walang inaasahang major damage ang lindol pero maaaring magdulot ng aftershocks.

The post Surigao del Norte niyanig ng magnitude 5.3 first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/surigao-del-norte-niyanig-ng-magnitude-5-3/)

Walang komento