Recent Posts

Breaking News

State of calamity dineklara sa Marikina

Sinailalim na sa state of calamity ang Marikina City dahil sa pinsalang dulot ng Bagyong Ulysses.

“I have declared the state of calamity for the City of Marikina. Totoo ‘yun,” sambit ni Mayor Marcelino Teodoro sa CNN Philippines ngayong Biyernes, Nobyembre 13.

May tatlong dahilan ang alkalde sa nasabing hakbang.

Una aniya ay “para magkaroon ng pagkakataon ang ating pamahalaan na epektibong makatugon doon sa pangangailangan ng ating mga kababayan dito sa lungsod.”

Pangalawa ay “para magkaroon din ng oportunidad ‘yung mga kababayan natin [na] maka-access dun sa mga services ng mga government financial institutions natin, tulad ng PAG-IBIG, GSIS at SSS, para makapag-file sila ng mga emergency and calamity loans.”

Pangatlong dahilan naman ay “para magkaroon na rin tayo ng mechanism for price control sa mga basic commodities na kailangan ng ating mga kababayan.”

Isa ang Marikina sa mga lugar na pinakatinamaan ng bagyo. Sa ngayon, nakatutok ang lokal na gobyerno sa rehabilitation efforts doon.

The post State of calamity dineklara sa Marikina first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/state-of-calamity-dineklara-sa-marikina/)

Walang komento