Recent Posts

Breaking News

Siya ba presidente? Catriona pinagtanggol ng mga netizen

Trending si Miss Universe 2018 Catriona Gray matapos siyang batikusin ng netizen dahil sa pagtungo sa ibang bansa habang may bagyo at pandemya sa Pilipinas.

Nagpunta sa Colombia si Catriona para mag-judge ng Miss Universe pageant doon.

“How it feels to be (finally) here in the beautiful country of Colombia! Gracias!! Thank you for the warm welcome,” sabi ni Catriona nang mag-touchdown sa Colombia, Nov. 11.

Isang @kopkhunkha ang kumuwestiyon doon: “Cat, why are you in Colombia instead of helping your own province deal with the typhoon? I have always been fan but especially with traveling during a pandemic? What example does taking this job send to everyone?”

Sinagot ito ng beauty queen ng: “This invitation was extended months ago and even though I’m away, I’ve been doing my part in working with @philredcross since the day of the typhoon to provide aid and relief to the affected areas. Thanks for your concern.”

Ilang fan ang dumepensa kay Catriona at sinabing isa itong pribadong indibiduwal at maaaring puntahan ang gustong puntahan.

Hindi rin daw opisyal ng gobyerno lalo na’t hindi pangulo ng bansa si Catriona para rumesponde sa problema ng Pilipinas.

https://twitter.com/ToffRoch/status/1326824797939007490

The post Siya ba presidente? Catriona pinagtanggol ng mga netizen first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/siya-ba-presidente-catriona-pinagtanggol-ng-mga-netizen/)

Walang komento