Recent Posts

Breaking News

Sinisi sa #NasaanAngPangulo, VP Leni binakbakan ni Duterte

Galit na galit si Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo dahil sa pakana umano nito na #NasaanAngPangulo trend, at pagpapalitaw umanong wala siya noong kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Ulysses sa bansa.

Sa kanyang regular na mensahe sa bayan, sinabi ng Pangulo na nagsinungaling si VP Leni dahil dumadalo ito noon ng virtual meeting ng Association of South East Asian Nation (ASEAN summit.

Alam aniya ng pangalawang Pangulo na may nagaganap na ASEAN summit at dalawang beses siyang nagtalumpati habang binabayo ng bago ang ilang bahagi ng bansa.

“She made a blunder, a big one and she practcally lied making her incapable of truth. Alam mo yug pakana niya na wala ako sa bagyo. I where, I was attending a summit –ASEAN summit,” anang Pangulo.

Binigyang-diin ng Presidente na hindi siya natutulog at inihayag na niya noon na isa siyang ” night person” at gabi hanggang umaga siya nagtatrabaho at pumipirma ng mga dokumento.

Alam aniya ng Bise na mayroong nagaganap na summit pero pinalitaw na nawawala ito para lamang makapag-grandstanding.

“Huwag nang masyadong porma-porma, hindi mo talaga panahon. Hindi mo pa panahon. Not time to be making a grandstanding coming up with…you knew that there was a summit going on and you had the gall to say ” nasaan ang Presidente?” dagdag ng Pangulo.

Tinawag pa niya si Robredo na hindi tapat dahil nagsinungaling ito dahil sa mga banat nito sa panahon ng kalamidad.

“I hate to say this but kung ganon ka, huwag kang magtakbo ng presi– talagang mahina ka. You do not know and then you lied. You were not honest,” giit pa ni Duterte. (Aileen Taliping)

The post Sinisi sa #NasaanAngPangulo, VP Leni binakbakan ni Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sinisi-sa-nasaanangpangulo-vp-leni-binakbakan-ni-duterte/)

Walang komento