Recent Posts

Breaking News

Sinas sa mga basher: Qualified akong maging PNP chief

Handang patunayan ni PNP chief Debold Sinas na swak siya sa kanyang bagong posisyon.

Ito’y matapos na banatan ng ilang netizen si Sinas matapos na palutangin ang ilang isyu tulad ng mañanita sa kanyang kaarawan kahit pinagbawal ang mass gathering.

Depensa ni Sinas, marami na siyang karanasan tulad sa PNP Directorial Staff, at naging hepe din sa Central Visayas ang NCR kaya’t qualified siya para maging PNP head.

“Ako po ay qualified. Kung nagtataasan ng kilay, opinyon po nila iyon. Patotohanan ko na lang sa kanila later on na ako po ay qualified po maging Chief PNP,” lahad ni Sinas nitong Miyerkoles.

“As to the kung bakit ako na-appoint, nasa prerogative po iyon ng President. At gumagawa lang po ako ng trabaho at katungkulan,” aniya pa.

Nangako si Sinas na huhulihiin ang mga high valued target at narco cop sa kanyang anim na buwang panunungkulan bilang PNP chief.

The post Sinas sa mga basher: Qualified akong maging PNP chief first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sinas-sa-mga-basher-qualified-akong-maging-pnp-chief/)

Walang komento