Recent Posts

Breaking News

Sinas: Mag-move on na tayo sa mañanita

Hiniling ni bagong Philippine National Police chief Debold Sinas na tapusin na ang patama sa kanya ukol sa mañanita issue.

Sa panayam ng CNN Philippines kay Sinas, sinabi nito na nakabinbin na sa Taguig City Prosecutor’s Office ang mga reklamo laban sa kanya at hayaan na mapagbigyan siya na makabawi at magampanan ang kanyang tranaho.

“Let’s move on. It’s been six months already,” lahad ni Sinas.

Matatandaan na noong Mayo ay umalingasaw ang kontrobersya matapos na mag-post ang NCRPO Facebook account ng mañanita para kay Sinas.

Umani ito ng kritisismo dahil mahigpit na pinagbabawal ang mass gathering noon lalo’t nasa ilalim pa ang Metro Manila ng enhanced community quarantine.

The post Sinas: Mag-move on na tayo sa mañanita first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sinas-mag-move-on-na-tayo-sa-mananita/)

Walang komento