Recent Posts

Breaking News

Sangkot sa shabu lab, kasamang natodas sa Bilibid riot

Kinumpirma ng Department of Justice na isang bilanggo na nakulong sa pagawaan ng shabu ay isa sa mga namatay sa riot sa New Bilibid Prison.

Kinilala ang biktima na si Calvin de Jesus Tan, na nasentensyahan ng habangbuhay na pagkakakulong noong 2012 sa isang warehouse ng shabu sa Mandaue City.

Ilan pa sa nasawi sa nasabing riot ay sina Ace Pempena, Edgar Publico at Jonathan Rodriguez.

Ang naturang riot ay kinabilangan ng mga miyembro ng Sputnik at Commando gang, kung saan 63 katao pa ang nasugatan.

Matatandaan na dati na ring nagkaroon ng riot sa loob ng Bilibid kung saan siyam naman ang nasawi.

The post Sangkot sa shabu lab, kasamang natodas sa Bilibid riot first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sangkot-sa-shabu-lab-kasamang-natodas-sa-bilibid-riot/)

Walang komento