Recent Posts

Breaking News

Romblon sinailalim sa MECQ

Kinupirma ni Romblon Mayor Gerard Montojo na balik sa modified enchanced community quarantine (MECQ) ang probinsya ng Romblon.

Sa pahayag ng alkalde, magsisimula ang MECQ ngayong Miyerkoles, November 11, alas-8 ng umaga at tatagal ito ng 14 na araw

Lahad ni Montojo, ito’y inaprubahan ng regional Inter-Agency Task Force para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 sa kanilang munisipyo.

“Pwede itong mabawi ng mas maaga kung tayo ay ligtas na sa paglaganap ng virus na ito,” saad ni Montojo.

Ilan sa pinagbabawal sa MECQ ay ang paglabas ng mga hindi kinukunsideran authorized person outside residence (APOR), at mass gathering.

Suspendido rin ang mga public transportation.

The post Romblon sinailalim sa MECQ first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/romblon-sinailalim-sa-mecq/)

Walang komento