Recent Posts

Breaking News

Robredo: Cagayan nagdusa sa pagsasara ng ABS-CBN

Binigyang-diin ni Vice President Leni Robredo ang kahalagahan ng epektibong komunikasyon para maipaalam sa mga residente ang posibleng epekto ng mga bagyo.

Ayon sa Bise Presidente, nagdusa ang mga taga-Cagayan sa “information gap” dahil sa pag-shutdown ng mga regional network ng ABS-CBN na siya aniyang pinagkukunan ng impormasyon ng malalayong lugar.

“It is important kasi, during crisis situations, iyong effective communication. Lalo na ngayon, wala na iyong regional network ng ABS-CBN na nasa malalayong lugar. Halimbawa sa amin sa Bicol, gaya sa Tuguegarao. Iyon ang inaasahan ng locals na naging source ng information, nawala iyon,” pahayag ni Robredo.

Binanggit din niya na maging ang mga local government unit sa Cagayan ay na-“blindside” dahil walang maayos na impormasyon para balaan ang kanilang mga residente.

“Si [Cagayan] Gov. [Manuel] Mamba mismo nagsabi na na-blindside sila. Kasi without proper information, iyong LGU, papaano niya ma-cascade sa constituents iyong talagang danger?” dagdag ng pangalawang pangulo.

The post Robredo: Cagayan nagdusa sa pagsasara ng ABS-CBN first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/robredo-cagayan-nagdusa-sa-pagsasara-ng-abs-cbn/)

Walang komento