Recent Posts

Breaking News

Remulla nagbabala ng pagbaha, brownout sa pananalasa ni ‘Ulysses’ sa Cavite

Nagpaalala si Cavite Governor Jonvic Remulla sa kanyang nasasakupan na manatiling handa sa paghagupit ng bagyong Ulysses.

Sa Facebook post ni Remulla, sinabi nito na ililipat ang mga nakatira sa high risk area sa mga evacuation center.

Mataas din aniya ang posibilidad ng pagbaha sa mga mabababang lugar sa kanilang probinsya.

Bukod pa dito, siniguro din ng gobernador ang pagkawala ng kuryente sa kanilang lugar kaya’t kailangan na ihanda na ang mga gagamitin para sa ilaw.

“Mag ingat po sa pag-gamit ng kandila. Charge na agad ang mga rechargeables. Internet signal or mobile data may be weak or down,” lahad ni Remulla.

Nagbabala na ang Pagasa na posibleng umabot sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 ang ilang lugar sa Gitnang Luzon, Calabarzon, Bicol at Metro Manila dahil sa bagyo.

The post Remulla nagbabala ng pagbaha, brownout sa pananalasa ni 'Ulysses' sa Cavite first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/remulla-nagbabala-ng-pagbaha-brownout-sa-pananalasa-ni-ulysses-sa-cavite/)

Walang komento