Recent Posts

Breaking News

Pangilinan: Gusto lang tumulong ni VP Leni

Dinepensahan ni Senador Francis Pangilinan si Vice President Leni Robredo mula sa panlilibak sa huli ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagtulong sa mga biktima ng nagdaang bagyo.

Ayon kay Pangilinan, mdalas umanong silang nag-uusap ng Bise Presidente, bago pa man manalasa ang bagyong Quinta at Rolly, kung ano matutulungan ang mga biktima ng kalamidad.

“I’m sorry ang gusto lang naman ni VP, and I’ve been in regular communication with her since Quinta and then Rolly, is to help,” sabi ni Pangilinan sa panayam sa ABS-CBN News Channel.

Aniya, sa panahon ng kalamidad, dapat isantabi ang politika at magpokus na lang sa pagtulong at rehablitasyon sa mga nasalanta ng kalamidad.

Pangilinan said that moving forward, government and the private sector should set aside politics and focus on the relief and rehabilitation.

“Yun ang dapat pagtuuanan ng pansin: pano natin matutulongan mula Bicol hanggang Cagayan ang kalamidad at trahedya,” ani Pangilinan.

“The last thing our people want at this point want is bangayan. Ang gusto lang mangyari ng ating VP ay tumulong,” dagdag pa nito.

Sa kanyang pre-recorded speed noong Martes, binatikos ni Duterte si Robredo dahil sa pagkuwestiyon diumano sa kanyang presensiya habang binabago ng bagyong Ulysses ang Luzon na nagresulta sa matinding pagbaha sa maraming lalawigan, lalo na sa probinsiya ng Cagayan.

Itinanggi naman ni Robredo na kinuwestiyon niya ang presensiya ng Pangulo sa panahon na binabayo ni Ulysses ang Luzon.

The post Pangilinan: Gusto lang tumulong ni VP Leni first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pangilinan-gusto-lang-tumulong-ni-vp-leni/)

Walang komento