Recent Posts

Breaking News

Paghahari ng SMB tinuldukan ng Meralco!

Makalipas ang limang season, magkakaroon na ng bagong kampeon sa PBA Philippine Cup.

Ito’y matapos na gibain ng Meralco Bolts ang binuong dinastiya ng San Miguel Beermen sa All-Filipino sa kanilang 90-68 win nitong Linggo sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center.

Hindi nakabangon ang Beermen sa pananalasa ng Bolts, pagtapos ng first quarter ay nalimitahan lamang ang SMB sa 11 puntos.

Umabot pa sa 28 puntos ang kalamangan sa third quarter at dito na naselyo ang unang semifinals berth sa Meralco simula noong pumasok sa liga.

Nagtulong sina Cliff Hodge at Baser Amer, na kapwa may tig-14 points. Nag-ambag din si Meralco veteran Reynel Hugnatan ng 12 points at eight rebounds.

Kinulang naman ang tig-20 markers nina Marcio Lassiter at Moala Tautuaa para madepensa ang kanilang trono.

Haharapin ng Meralco ang kanilang karibal na Barangay Ginebra para sa best-of-five series at ang kanilang unang paghaharap sa All-Filipino conference.

The post Paghahari ng SMB tinuldukan ng Meralco! first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/paghahari-ng-smb-tinuldukan-ng-meralco/)

Walang komento