Recent Posts

Breaking News

Pagbaha sa Cagayan pinaiimbestigahan sa Senado

Maghahain ng resolusyon sina Senador Francis Pangilinan at Senadora Risa Hontiveros para siyasatin kung sino ang may pananagutan sa matinding pagbaha sa Cagayan Valley at iba pang bahagi ng Luzon.

“Sunod-sunod na mga sakuna ang nangyari sa bansa nitong mga nakaraang linggo, pero dapat pa ring tanungin: Naiwasan kaya ito kung na-control nang maayos ang pagbukas ng mga flood gates ng Magat Dam?” tanong ni Pangilinan.

“Kung nabigyan ba ng sapat na warnings ang ating mga kababayan na tatamaan ng mga pagbaha?” dugtong pa nito.

Bilang dating chairman ng National Irrigation Administration (NIA) noong 2014-2015, sinabi ni Pangilinan na may sinusunod na protocol sa pagpapakawala ng tubig sa dam gayundin ang flood warning.

“Merong protocol yan, at hindi lang sa ilalim ng isang ahensya. Coordinated dapat with Pagasa and the local governments lalo na sa usapin ng early warning,” ani Pangilinan.

“Kailangan din dapat nagsagawa ng inspections o kaya checkup sa mga warning stations at equipment. Ang pagbababala rin ay dapat through texts, radio, local TV — lahat ng paraan.

“Sa madaling sabi, kung nasunod ang mga protocol at napaghandaan nang maayos si Ulysses, maaring naiwasan sana ito,” sambit pa nito.

Samantala, naghain naman si Hontiveros ng Senate Resolution No 571 para imbestifahan ang “man-made” na dahilan ng matinding pagbaha hindi lamang sa Cagayan kundi na rin sa Rizal at Marikina dulot ng bagyong Ulyssess.

Sabi ni Hontiveros, dapat magkaroon ng polisya para makapaghanda ng mabuti ang bansa sa mga darating pang mga kalamidad.

“The floods swept away the lives and livelihood of millions without warning, which could have been avoided if the alarm was rung loudly before they opened the dam,” sabi ng senador.

“It is our responsibility to take seriously the protection of nature, investigate human-made causes of flooding and drastically upgrade the country’s preparedness and response,” dagdag pa nito.

The post Pagbaha sa Cagayan pinaiimbestigahan sa Senado first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagbaha-sa-cagayan-pinaiimbestigahan-sa-senado/)

Walang komento