Recent Posts

Breaking News

PAGASA building sa Surigao Sur wasak sa lindol

Nasira ang weather station ng PAGASA sa Hinatuan, Surigao del Sur matapos yanigin ng magnitude 6.0 na lindol ang probinsya kahapon.

“Ang pinakamalaking damage dito sa PAGASA weather station sa Hinatuan, na ‘yung buong building nag-crack, kaya pinapa-inspeksyon pa namin kung pwede pa ‘yan magamit kasi baka delikado na,” sabi ni Governor Alexander Pimentel sa Unang Balita ngayong Martes.

Dagdag niya, napinsala rin ng pagyanig ang Gaisano Mall sa Bislig, ilang gym sa Hinatuan, at maraming elementary school building sa lalawigan.

Sa ngayon, wala aniyang naitalang namatay dahil sa nasabing lindol.

The post PAGASA building sa Surigao Sur wasak sa lindol first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pagasa-building-sa-surigao-sur-wasak-sa-lindol/)

Walang komento