Recent Posts

Breaking News

P9B pondo sa pautang sa MSME inipit

Nakatengga pa rin ang mahigit 25,000 loan application ng mga micro, small and medium enterprises (MSME) na naapektuhan ng pandemya dahil hindi pa nailalabas ang P9-bilyong pondo para rito sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act.

Sa deliberasyon ng panukalang 2021 budget ng Department of Trade and Industry, nabunyag na P1 bilyon pa lamang sa P10 bilyon pondo para sa sulong sa MSME ang nailalabas.

Sa 26,245 loan application sa tanggapan ng DTI nitong Nobyembre, 1,660 loan application o P1.2 bilyon ang naaprubahan.

“They (DTI) hope the money can be released so they can process even more of these loans,” pahayag ni Senador Sonny Angara, chair ng Senate Finance Committee.

Nagpahayag naman ng pagkabahala si Senador Francis Pangilian sa hindi pag-release ng nasabing pondo lalo na’t matagal nang humihingi ng tulong sa gobyerno ang mga 20,000 MSME na naapektuan ng pandemya.

“This brings us back to the basic question on why is it not being released. Now we’re talking of P9 billion still to be turned over to the DTI for distressed companies,” sabi ni Pangilinan.

The post P9B pondo sa pautang sa MSME inipit first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/p9b-pondo-sa-pautang-sa-msme-inipit/)

Walang komento