Recent Posts

Breaking News

#NasaanAngPangulo kalokohan, Duterte laging nandyan – Roque

Ayon sa Palasyo, dapat nang tantanan ng mga kritiko ang pagtatanong kung nasaan si Pangulong Rodrigo Duterte tuwing may kalamidad.

Dahil, sabi ni presidential spokesperson Harry Roque, lagi naman umanong naka-monitor ang Pangulo sa mga nangyayari on the ground.

Inakusahan din ni Roque na oposisyon ang nagtutulak ng #NasaanAngPangulo trend sa social media.

“Hindi po dapat tanungin nasaan ang Pangulo, ‘yan po ay kalokohan lang ng oposisyon. Ang Presidente po ay hindi nawawala, lagi po natin siyang kapiling,” ani Roque sa isang briefing tungkol sa pinsalang dulot ng Bagyong Ulysses, Nobyembre 13.

“Lagi po niyang iniisip ang kapakanan ng ating mga kababayan. Oposisyon, itigil n’yo na po ‘yan.”

“Ang importante, lagi pong nandyan ang Pangulo na laging pong nagsasabi at pinaaalahanan ang lahat ng ahensiya at departamento ng gobyerno na gawin ang lahat para matulungan po ang mga kababayan nating nangangailangan,” dagdag niya pa.

Dalawang beses nang nag-trend sa Twitter PH ang “#NasaanAngPangulo,” una noong Super Bagyong Rolly at pangalawa noong Bagyong Ulysses.

Hinahanap ng mga netizen ang plano ng Pangulo habang humaharap sa kalamidad ang taumbayan.

Dahilan ni Duterte, bumisita siya sa puntod ng mga yumao niyang magulang sa Davao, at gustuhin man niyang lumangoy sa tubig-baha ay “ayaw ng mga sundalo.”

Sabi niya, alam pa rin daw niya ang nangyayari on the ground kahit nasa probinsya siya, at gumagalaw ang gobyerno para tulungan ang mga apektado ng bagyo.

The post #NasaanAngPangulo kalokohan, Duterte laging nandyan - Roque first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/nasaanangpangulo-kalokohan-duterte-laging-nandyan-roque/)

Walang komento