Recent Posts

Breaking News

Mungkahing academic break nationwide tinabla ni Roque

Binasura ng Malacañang ang panawagang magdeklara ng nationwide academic break dahil sa epektong nararanasan ng mga estudyante mula sa COVID-19 pandemic at sa sunud-sunod na bagyong nanalasa sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nasa blended learning ang mga estudyante sa elementarya at highschool kaya hindi masyadong naapektuhan ng pandemya at mga bagyong dumaan sa bansa.

Wala aniyang nakikitang dahilan ang Palasyo para magpatupad ng academic break dahil wala namang face to face learning habang mayroong COVID pandemic.

“Sa ating mga public schools na nasa ilalim ng ilalim ng DepEd,tayo ay nasa blended learning. Ang primary mode of instruction natin ay modular so hindi masyadong naapektuhan dahil walang face to face classes sa lahat ng ating eskuwelahan,” ani Roque.

Para naman sa mga estudyanteng nasa kolehiyo, sinabi ni Roque na may desisyon ang Commission on Higher Education (CHED) mag-extend ng klase kung kinakailangan .

Hindi aniya papayagan ng CHED ang academic break sa mga pamantasan at kolehiyo bagkus ay maaring palawigin ang pasok ng mga estudyante hanggang sa matapos ang nakatakdang araw na dapat pasukan sa loob ng jaang school year.

“Pagdating sa ating universities, nagkaroon na ng en banc meeting ang CHED at ang desisyon ay hindi papayagan itong academic break na hinihingi ng ilan. Ang desisyon ay mag-extend po ang mga pamantasan at mga kolehiyo na hindi nakapagklase dahil sa bagyo ng one or two weeks para matapos ang kanilang semestre,” dagdag ni Roque.

The post Mungkahing academic break nationwide tinabla ni Roque first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mungkahing-academic-break-nationwide-tinabla-ni-roque/)

Walang komento