Recent Posts

Breaking News

Monsour binuhay action movie sa ‘Pinas

Ipapalabas na sa Pilipinas ang action movie ni Monsour del Rosario na humakot ng awards sa ibang bansa.

Sa panayam ng ‘Abantelliling’ kay ex-Makati councilor, sinabi nito na mapapanood na ng mga Pinoy ang kanyang comeback sa action sa pamamagitan ng Pista ng Pelikulang Pilipino.

Aniya, magsisimula ang PPP sa November 20 hanggang December 13, na matutunghayan sa website ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na fdcpchannel.ph

“Sana mag-subscribe kayo, at sana mapanood niyo ‘yung pelikulang ginawa namin. Ako siguradong magiging proud kayo dito dahil marami itong pinanalo sa Cinemax Urban Action Showcase International Film Festival sa New York City,” saad ni Monsour.

Ang pelikulang ‘Blood Hunters: Rise of the Hybrids’ ay ginawaran ng mga awards tulad ng Best Martial Arts movie, Best Action movie, Best Martial Arts Fight Sequence, Best Martial Arts Weapon Fight Sequence at Best Visual Effects.

Saad ni Monsour, naengganyo siya ni Direk Vince Soberano para maipakita sa mundo na ang mga Pinoy ay kayang pang mag-produce ng action star

The post Monsour binuhay action movie sa 'Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/monsour-binuhay-action-movie-sa-pinas/)

Walang komento