Recent Posts

Breaking News

Miriam classroom bukas para sa ilang Ulysses victim

Pwedeng manatili sa Miriam College ang mga mag-aaral nito at kanilang mga kamag-anak habang nananalasa ang Bagyong Ulysses.

Sa isang abiso, sinabi ng pamunuan ng MC na bukas para sa kanilang mga estudyante ang residence hall at mga classroom ng paaralan.

Para sa ibang detalye, tawagan lang ang MC Security sa +639955139620, 89306272 local 8211 o ang MC Residence Hall sa 89306272 local 1094.

Sa ngayon, nakasailalim sa Signal No. 2 ang Metro Manila dahil kay Ulysses.

The post Miriam classroom bukas para sa ilang Ulysses victim first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/miriam-classroom-bukas-para-sa-ilang-ulysses-victim1/)

Walang komento