Recent Posts

Breaking News

Mga Rizaleño: Wala talagang nag-rescue sa amin

Dinalaw ni Vice President Leni Robredo ang mga nagsilikas na pamilya sa Kasiglahan Village Elementary School sa Rodriguez, Rizal matapos humagupit ang Bagyong Ulysses sa Luzon.

Maraming low-lying area sa Marikina, Rizal, at iba pang lugar ang todong binaha kahapon dahil sa malakas na pag-ulan.

Sa Twitter video ni Robredo, masasaksihan ang pagkuwento ng mga residente na hindi na nila naisalba ang kanilang mga nabasang damit at gamit, at walang sumaklolo sa kanila papunta sa mas ligtas na lugar.

“Wala talagang umano sa amin, walang nag-rescue sa amin. Wala po talaga,” bulalas ng isang babaeng evacuee.

“Wala talaga pong nag-rescue sa amin po. Promise! Ala-una pa po kami ng [madaling-araw] po sa bubong,” lahad ng isa pa.

Itong hinaing nila ay sumasalungat sa pahayag ni Office of Civil Defense Assistant Secretary Casiano Monilla na kaya maraming na-trap sa kanilang bahay nang tumama ang bagyo sa Luzon ay dahil hindi agad sumunod ang mga ito sa abiso ng gobyerno na lumikas.

“Kung minsan kasi, ‘pag nag-ikot ang mga local officials, hindi kaagad sumusunod ang mga kababayan natin. Mas nagre-rely tayo kung ano ang ating nararamdaman, o prevailing na situation na ating nararamdaman, rather than the advice na binibigay po ng PAGASA,” sambit pa ni Monilla.

The post Mga Rizaleño: Wala talagang nag-rescue sa amin first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-rizaleno-wala-talagang-nag-rescue-sa-amin/)

Walang komento