Recent Posts

Breaking News

Mga korap na public official na suspendido, sibak kay Duterte

Sisibakin sa serbisyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mga opisyal at kawani ng gobyerno na nasuspinde dahil sa katiwalian.

Sa kanyang regular na mensahe sa bayan, sinabi ng Pangulo na kahit suspension lamang ang ipinataw na parusa sa mga may kaso ng katiwalian, pagdating sa kanyang opisina ay dismissal ang magiging aksiyon nito.

Babaliktarin aniya nito ang desisyon ng mga kaso ng tiwali sa gobyerno lalo na kung may kinalaman ito sa pera o pangongotong.

“Maski na malakas n’yo na suspension lang, pagdating dito sa opisina ko, I can reverse the decision. ‘Pag basta may pera, conversion ganoon, dismissed kayo. I will reverse the decision, from suspension to dismissal,” anang Pangulo.

Magpapatuloy aniya ang kanyang kampanya laban sa katiwalian at marami pa ang masisibak sa mga darating na araw dahil marami ang mga opisyal at kawani ng gobyerno na may mga kaso ng katiwalian.

“So ito iyong drive natin sa Anti-Graft and Corrupt Practices. Many more kasi pending eh, many more na mga kaso ,” dagdag ng Pangulo.

May mga pangalang inanunsiyo ang Pangulo sa kanyang mensahe sa bayan nitong Martes ng gabi na mga opisyal at tauhan ng gobyerno na nasuspinde at natanggal na sa serbisyo dahil sa korapsiyon mula sa Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Philippine Aerospace Development Corporation (PADC).

The post Mga korap na public official na suspendido, sibak kay Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-korap-na-public-official-na-suspendido-sibak-kay-duterte/)

Walang komento