Recent Posts

Breaking News

Mga Fil-Chinese paboritong gatasan ng mga kurakot

Mga Filipino-Chinese ang karaniwang biktima ng mga corrupt officials at tauhan ng gobyerno pero ayaw magreklamo dahil sa takot na maperwisyo.

Ito ang nagbunsod kay Pangulong Rodrigo Duterte kaya nag-alok ng pabuya sa publiko para isumbong ang mga kilalang tiwali sa gobyerno.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na marami ng Tsinoy ang lumapit at nagreklamo sa kanya pero ayaw manindigan dahil sa takot na sila ay maperwisyo lalo na sa kanilang mga negosyo.

“Marami na sa akin ang lumapit, nandiyan yung ating mga kapatid na Tsino na nagrereklamo pero ayaw manindigan. Eh ngayon ang sabi ng Presidente maski hindi na manindigan, magbigay ka lang ng impormasyon at bahala na ang gobyerno na hulihin on the act iyong mga taong yan,” ani Roque.

Nanawagan ang kalihim sa publiko na tulungan ang gobyerno para matigil ang talamak na korapsiyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon laban sa mga tiwali sa gobyerno.

Seryoso aniya si Pangulong Duterte na malinis ang gobyerno sa korapsiyon kaya nag-alok ng pabuya para maparusahan ang mga gumagawa ng kalokohan sa pamahalaan.

“Ang pakiusap po natin sa taumbayan, hindi po matitigil ang korapsiyon kung hindi tayo magbibigay ng impormasyon. So hayan na po, nagbigay na ng pabuya ang Presidente para tuluyang mawala ang korapsiyon sa gobyerno,” dagdag ni Roque.

The post Mga Fil-Chinese paboritong gatasan ng mga kurakot first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-fil-chinese-paboritong-gatasan-ng-mga-kurakot/)

Walang komento