Recent Posts

Breaking News

Meteor shower masasaksihan mamayang gabi

Hinikayat ng PAGASA ang mga astronomy lover sa Pilipinas na panoorin ang meteor shower na magaganap mamayang Martes ng gabi.

Sabi ng weather bureau, sa kanilang astronomical diary para sa ngayong buwan, “A zenithal hourly rate (ZHR) of about 15 meteors might occur in the late hours of November 17 until dawn of the following day.”

Ang Leonids meteor shower umano ang “one of the most prolific meteor showers.”

“Its radiant is in the constellation Leo which is located in the eastern section of the sky at dawn…,” ayon pa sa PAGASA.

Kaiba sa mga nagdaang taon, hindi inaasahan ng mga astronomer at eksperto na magkaroon ng maraming meteors ngayong 2020.

The post Meteor shower masasaksihan mamayang gabi first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/meteor-shower-masasaksihan-mamayang-gabi/)

Walang komento