Recent Posts

Breaking News

Mega quarantine facility sa Laguna tapos na

Kumpleto na ang mega quarantine facility sa Calamba City, Laguna para sa mga tinamaan ng coronavirus disease.

Itinurn-over ng Department of Public Works and Highways ang pasilidad nitong Sabado sa Calamba City local government.

Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar, ang naturang pasilidad na ang pinakamalaking “We Heal As One” quarantine facility sa Southern Tagalog Region.

Sa kabuuang 600 higaan, 550 ang nakalaan sa mga pasyente habang ang natitirang 50 unit ay para sa mga medical frontliner.

The post Mega quarantine facility sa Laguna tapos na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mega-quarantine-facility-sa-laguna-tapos-na/)

Walang komento