Recent Posts

Breaking News

Marcial, Managuelod panauhin sa TOPS Usapang Sports on Air

Mga sports na boxing, muaythai, football at e-sports ang sentro ng talakayan sa ika-20 na “Usapang Sports on Air” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Huwebes.

Eeksena sa 10am public service program sina Tokyo Olympics-bound boxer Eumir Marcial at Muaythai Association of the Philippines secretary-general Pearl Managuelod.

Ibabahagi ni Marcial ang kanyang paghahanda para sa nalalapit nitong laban kontra kay former middleweight champion Daniel Jacobs sa California, USA sa darating na Nobyembre 27, pati narin ang kanyang preparasyon para sa Olympics sa susunod na taon.

Tatalakayin naman ni Managuelod ang Philippine Olympic Committee (POC) elections sa Nov. 27 at mga aktibidad ng muaythai association ngayong may pandemiya.

Bukod sa dalawa, bibida rin sa sports program na handog ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Amusements and Gaming Corporation (PAGCOR) at Games and Amusements Board (GAB) sina Maharlika Football Club founder Anton del Rosario at manager Choy Calunsod at e-sports personality Kaisaya.

Inaanyayahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat ng officers, members at ang sports community na makisalo sa weekly sports forum.

The post Marcial, Managuelod panauhin sa TOPS Usapang Sports on Air first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/marcial-managuelod-panauhin-sa-tops-usapang-sports-on-air/)

Walang komento