Recent Posts

Breaking News

Marawi rehab fund kakarampot lang – Drilon

Kinuwestiyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang napakaliit na alokasyon para sa rehabilitasyon ng Marawi City sa ilalim ng panukalang P4.5 trilyong national budget para sa 2021.

Sa kanilang pagsasaliksik, sinabi ni Drilon na ang pinsala sa Marawi City ay nagkakahalaga ng P70 bilyon subalit P3.5 bilyon lamang ang inilaan ngayong 2020 at P5 bilyon naman para sa susunod na taon.

“The rehabilitation fund is grossly insufficient,” pahayag ni Drilon sa deliberasyon sa Senado.

“Our countrymen there have been suffering for the last two years,” dagdag nito.

Ayon kay Drilon, mismong ang mga residente na ng Marawi na ang nagrereklamo na napakabagal ng ginagawang rehabilitasyon sa kanilang lungsod.

“Indeed, that is confirmed now by the meager budget for next year,” ani Drilon.

“We seriously doubt the sufficiency of the funds to fund the rehabilitation of Marawi,” sambit pa nito.

Nauna nang sinabi ni Task Force Bangon Marawi chairman at Housing Secretary Eduardo Del Rosario na plano ng gobyerno na tapusin ang rehabilitasyon sa Disyembre 2021.

Subalit duda si Drilon sa timeline na ibinigay ni Del Rosario lalo na’t kakarampot lamang ang pondong inilaan para dito ngayong taon at sa 2021.

“Would the current and the budget next year be enough to complete the rehabilitation by December 2021 as publicly committed by officials in charge of Marawi?” tanong ni Drilon.

Umaasa naman itong dadagdagan ng Senado ang pondo para sa rehabilitasyon ng Marawi. Sinang-ayunan naman ito ni Senador Sonny Angara, chairman ng Senate finance committee.

The post Marawi rehab fund kakarampot lang – Drilon first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/marawi-rehab-fund-kakarampot-lang-drilon/)

Walang komento