Recent Posts

Breaking News

Maliit na bagay: Duterte dinepensa si Sinas sa mañanita

Hindi kasalanan ni Philippine National Police (PNP) chief General Debold Sinas ang isinagawang mañanita o birthday serenade para sa kanya noong Mayo, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte nitong Sabado.

At kung mapapatunayan aniyang may kasalanan si Sinas ay ipa-pardon niya ito.

“Hindi kasalanan ng pobreng Sinas na ‘yan na pumunta sila [police] doon. Hindi naman niya alam. Mañanita nga, surprise. Alang-alang namang sipain niya doon. At kung may kasalanan siya doon, pardon na siya,” pahayag ng Pangulo sa televised speech.

“Wala akong nakitang kasalanan na masama, na may moral implications, may masamang malisya,” dagdag niya.

Giit pa ng punong ehekutibo, maliit na bagay lang iyon dahil masipag namang magtrabaho si Sinas hindi katulad ng mga korap na opisyal.

“Maliit na bagay iyon [mañanita] […] diyan ako galit sa mga corrupt iyong hanggang ngayon nasa labas pa. Si Sinas nagtatrabaho iyan,” anang Presidente.

Magugunitang naging isyu ang isinagawang mañanita para sa noo’y National Capital Region Police Office chief na si Sinas sa headquarters sa Taguig City dahil sa umano’y paglabag sa mga health protocol na pinatutupad laban sa coronavirus disease gaya ng hindi pagsusuot ng face mask.

The post Maliit na bagay: Duterte dinepensa si Sinas sa mañanita first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/maliit-na-bagay-duterte-dinepensa-si-sinas-sa-mananita/)

Walang komento