Recent Posts

Breaking News

Luzon sinailalim sa state of calamity

Isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte sa state of calamity ang buong Luzon matapos na salantain ng magkasunod na Super Bagyong Rolly at Bagyong Ulysses.

Sa kanyang regular na mensahe sa bayan, sinabi ng Pangulo na napirmahan na niya ang proklamasyon na nagtatakda ng state of calamity sa buong Luzon batay na rin sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Layon nito na matugunan ng mga ahensiya ng gobyerno ang iniwang pinsalanat epekto ng bagyo lalo na sa mga lalawigang pinalubog ng tubig baha mula sa dalang ulan ng dalawang bagyo.

“Mukhang napirmahan ko na ata last night, I think I signed the proclamation,” anang Pangulo.

Sa ilalim ng state of calamity, maaaring gamitin ang quick response fund o standby funds para sa relief at recovery programs para makabalik sa normal na pamumuhay ang mga nasalantang mamamayan.

Maaari na ring tumanggap ng international himanitarian assistance kapag inirekomenda ng NDRRMC.

Kapag nasa state of calamity, hindi maaaring magtaas ng presyo sa mga pangunahing bilihin at ito ay mahigpit na babantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) para hindi makapagsamantala ang ilang tusong negosyante. (Aileen Taliping)

The post Luzon sinailalim sa state of calamity first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/luzon-sinailalim-sa-state-of-calamity/)

Walang komento