Recent Posts

Breaking News

Lacson: Quick respond fund ng PNP, BFP ibalik

Iminungkahi ni Senador Panfilo Lacson na ibalik ang Quick Respond Fund (QRF) sa pondo ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) para sa susunod na taon.

Sa ilalim ng 2016 General Appropriations Act, naglaan ng P75 milyon bawat para sa QRF ng dalawang ahensiya subalit ayon kay Senador Sonny Angra, chairman ng Senate Finance Committee, tinanggal ito dahil hindi nasunod ang hinihingiing requirement para dito.

Iginiit naman ni Lacson na kanyang isusulong na amiyendahan ang general appropriations bill para maibalik ang QRF ng PNP at BFP.

Aniya, kinakailangan ng PNP ng P124 milyon para sa kanilang QRF habang P75 milyon naman sa BFP.

Pabor naman si Angara sa mungkahing ito ni Lacson.

The post Lacson: Quick respond fund ng PNP, BFP ibalik first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lacson-quick-respond-fund-ng-pnp-bfp-ibalik/)

Walang komento