Recent Posts

Breaking News

Lacson kay Sinas: Patunayan mo na mali sila

Kailangang patunayan umano ni Police Major General Debold Sinas sa kanyang mga kritiko na tama ang pagpili sa kanya bilang susunod na pinuno ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang payo ni Senador Panfilo Lacson kay Sinas kasabay ng kanyang pagbabalik tanaw sa kanyang karanasan noong ipagkatiwala sa kanya ang naturang posisyon dalawang dekada na ang nakakaraan.

“20 years ago, on November 16, 1999, critics hit my appointment as CPNP. It was a tough challenge I swore to hurdle if only to prove my critics wrong,” pahayag ng dating PNP chief sa kanyang Twitter post.

“I hope CPNP Debold Sinas thinks exactly the same,” dagdag pa nito.

Si Lacson ay itinalaga bilang PNP chief mula Nobyembre 199 hanggang Enero 2001 at nakilala sa kanyang mga inisyatibo sa pag-alis ng mga police scalawag o “kotong cops” sa hanay ng pulisya.

Nagpatupad rin si Lacson noong 34 inch waistline limit para sa mga police officer sa panahon ng kanyang termino.

Samantala, welcome naman kay Senador Bong Go ang pagtalaga kay Sinas bilang susunod na pinuno ng pambasang kapulisa kapalit nang magreretiro nang si Police General Camilo Pancratius Cascolan.

“I welcome the appointment of Gen. Debold Sinas as the next PNP Chief. Given his track record, I am hopeful that he will continue and strengthen further our relentless fight against illegal drugs, criminality and corruption,” ani Go.

“I trust the wisdom of President Rodrigo Duterte in choosing Gen. Sinas—all things considered. After all, as the President, it is entirely his prerogative whom to appoint from those qualified for the post.”

“I also wish to emphasize that the President and this administration continue to prioritize the welfare of the police force in recognition of its crucial role in providing a safe, secure and comfortable life for all Filipinos,” dagdag pa nito.

The post Lacson kay Sinas: Patunayan mo na mali sila first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lacson-kay-sinas-patunayan-mo-na-mali-sila/)

Walang komento