Recent Posts

Breaking News

‘Kulang sa babae’: Duterte nagbiro sa tropang nasawi sa COVID

Bago umalis sa Camarines Sur ay nakipagbiruan muna si Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang opisyal, kung saan isa dito ay kanyang naging kaklase sa law school.

Napag-usapan nila ang isang kaibigan na nabalitaan ng Pangulo na nasawi ilang buwan ang nakararaan.

Kinumpirma naman ito ng nakausap ni Duterte at sinabing namatay umano ang kanilang kakilala dahil sa COVID-19.

Biglang sambit ni Duterte, “P*t*ngina, kulang sa babae ‘yung ganun.”

Ito’y matapos na pitikin din ng Pangulo ang naging kaklase niya na nasobrahan naman umano sa babae.

“Classmate ko ‘yan sa law school. ‘Brod’ ko pa. Pero naubos ang panahon niya sa ano, tumanda na. Nakakatanda talaga ‘yan. Sobra babae, nakakatanda ‘yan,” saad ni Duterte.

“Sabi nga po ni Cong. LRay [Villafuerte], ‘undersexed’ daw po ako. ‘Undersexed.’ Kaya kung puwede po, gawin mo na akong Secretary para hindi na ‘undersexed,”: pakli naman ng opisyal na naging kaklase ni Duterte.

Nagtungo ang Pangulo sa Camarines Sur para tingnan ang sitwasyon doon matapos ang magkakasunod na pananalasa ng bagyong Rolly at Ulysses.

The post 'Kulang sa babae': Duterte nagbiro sa tropang nasawi sa COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kulang-sa-babae-duterte-nagbiro-sa-tropang-nasawi-sa-covid/)

Walang komento