Recent Posts

Breaking News

Kris Aquino street dancer na

May bagong nagawa si Kris Aquino ilang buwan bago ang kanyang ika-50 kaarawan.

Ang sumayaw sa kalsada.

Suot ang face mask, face shield, at orange na personal protective equipment, umindak si Aquino sa ad jingle ng Shopee para sa nagdaang 11.11 sale nito.

Bukod sa mga larawan behind the scenes ay nagbahagi si Krissy ng video ng kanyang pagsayaw.

“NEVER did i think that a few months shy of my 50th birthday, i’d literally be dancing on the street! But @shopee_ph inspired me to go for it,” sey ng Queen of Talk sa Instagram.

“Thank you teacher @manglo_loko, i used to say i couldn’t dance to save my soul- at least ngayon aabot na ng purgatory. 😇,” aniya pa.

The post Kris Aquino street dancer na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kris-aquino-street-dancer-na/)

Walang komento