Recent Posts

Breaking News

Konektado sa komunista? Badoy pinalagan ng CNN PH

Hindi pinalampas ng CNN Philippines ang pahayag sa social media ni PCOO Undersecretary Lorraine Badoy tungkol sa ginawang pagbabahagi ng nauna sa isang donation drive para sa mga biktima ng mga nagdaang bagyo sa bansa.

Nag-react ang media company sa Facebook post ni Badoy kung saan pinahihiwatig na may umano’y koneksiyon sila sa grupo na “known front” umano ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army, at National Democratic Front.

“CNN tweeting and retweeting the call for donations of LFS- a known front of the terrorist CPP NPA NDF. Wassup, CNN?? Is it true there is a LFS/CEGP cell inside CNN?,” sambit ni Badoy, na siya ring tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict. Tinutukoy niya ang League of Filipino Students at College Editors Guild of the Philippines.

“CNN Philippines strongly objects to this misplaced and baseless allusion,” ayon sa official statement ng CNN PH kagabi.

Punto nila, hindi lang LFS ang organisasyong tinampok nila sa kanilang Twitter thread na tungkol sa mga relief drive para sa mga biktima ng bagyo.

Naniniwala rin ang TV network na mas mabuting ituon ng madla ang atensiyon nito sa bayanihan at hindi sa red-tagging.

“We believe the back-to-back storms that ravaged our country serve as an opportunity to rise up from the ruins and practice the Filipino spirit of ‘Bayanihan’ in whatever capacity we can, rather than foray into red-tagging that will only sow disunity,” banggit ng CNN PH sa Twitter.

“The League of Filipino Students is just one of the many groups that have launched a relief drive for the victims of recent typhoons. Our Twitter thread included relief assistance initiated by Caritas Manila, Kaya Natin PH, Simbahang Lingkod ng Bayan, student organizations from UP Diliman, UP Manila, UP Los BaƱos and Ateneo de Manila University, among others.”

“We continue to update the list to give as many options for kindhearted individuals because we believe our suffering countrymen need all the help they can get in this time of calamities,” dagdag pa ng media company.

The post Konektado sa komunista? Badoy pinalagan ng CNN PH first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/konektado-sa-komunista-badoy-pinalagan-ng-cnn-ph/)

Walang komento