Recent Posts

Breaking News

Klase sa Maynila suspendido sa Nov. 13

Nag-anunsyo na ang Manila City government ng suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa public at private schools para bukas, Nobyembre 13.

Inanunsyo ang direktiba ni Mayor Isko Moreno sa Twitter post ng Manila Public Information Office (MPIO) nitong Huwebes ng hapon.

“BREAKING: Manila City Mayor @IskoMoreno suspends classes in all levels, including graduate school, in both public and private schools tomorrow, November 13, 2020,” sabi sa tweet ng MPIO.

Ayon sa local government, kabuuang 1,125 na pamilya o mahigit 4,600 indibiduwal sa lungsod ang nananatili pa sa mga evacuation center habang nasa Central Luzon si “Ulysses”.

Sa ngayon ay nakataas pa ang Signal No. 2 sa Metro Manila at ilan pang lugar sa Luzon. (IS)

The post Klase sa Maynila suspendido sa Nov. 13 first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/klase-sa-maynila-suspendido-sa-nov-13/)

Walang komento